100 katao naserbisyuhan ng libreng gupit

100 katao naserbisyuhan ng libreng gupit

100 katao naserbisyuhan ng libreng gupit

62
0

ORION, Bataan – Mahigit sa isandaang katao, mga matatanda, mga kababaihan at karamihan ay mga bata ang naserbisyuhan ng “libreng gupit” na isinagawa ng Cutz and Glitz salon noong nakaraang linggo sa mga biktima ng sunog sa Brgy. Capunitan, Orion na ginanap sa Bataan School of Fisheries kung saan pansamantalang tumutuloy ang mga evacuees.

Ayon kay Bb. Agnes Lacson-Trinidad, may-ari ng nasabing salon, na talaga umanong nakapapagod ang walang hintong gupitan na inabot na umano ng hapon, subali’t nakagagaan naman umano ng kalooban dahil sa simpleng serbisyong kanilang naialay ay sumaya at naibsan ang dalahin ng ating mga kababayang nasunugan

Nais ipaabot ni Bb. Agnes ang kanyang pasasalamat sa pamunuan ng Bataan School of Fisheries sa pagpapahiram sa kanila ng lugar sa loob ng paaralan, kay Mayor Tonypep Raymundo at sa mga kasamahan niya sa industriya na sumama at nagbigay din ng serbisyo

Facebook Comments