22 mentees, pasok sa 3rd batch ng KMMe program

22 mentees, pasok sa 3rd batch ng KMMe program

22 mentees, pasok sa 3rd batch ng KMMe program

259
0

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Dalawampu’t dalawang (22) mentees o trainees ang nakapasa sa screening at sasailalim sa 11 linggong seminar
ng Department of Trade and Industry (DTI) Bataan sa programang Kapatid Mentor Me (KMMe).
Ayon kay DTI Provincial Director Nelin Cabahug, mataman nilang iniscreen ang 22 bagong negosyante mula sa 11 bayan at isang siyudad sa lalawigan upang bigyan ng pagkakataon ang bawat bayan na magkaroon ng kinatawan para sa nasabing programa.
Ipinaliwanag ni Director Cabahug na ang mga nasabing mentees ay sasailalim sa pagsasanay sa 10 modules na dinisenyo para ihanda sila sa Micro and Small enterprises sa kamay ng mga magagaling na mentors na sina, G. Paulo Tibig, Pres. ng VCargo (PCE Angelpreneurs); Ms. Arlene P. Martinez, Pres. and Managing Director, Post 10 Worldwide, Inc. (PCE Angelpreneurs); Ms. Cindy Eusebio, Magpoc Araro Cookies at Gng. Melita Nepomuceno, owner, J2 Fastfoods, na gaya nila ay nagsimula sa maliit na negosyo na sa ngayon ay malalaki at matatagumpay ng negosyante.

Idinagdag pa ni Cabahug na ang Kapatid Mentor Me (KMME) program ay isinasagawa ng DTI upang makatulong sa mga bagong negosyante na maging pokus sila sa pag iisip, pagpaplano at pagsasagawa ng mga fundamentals of entrepreneurship.
Sa loob ng 11 linggong pagsasanay sa 10 iba’t ibang modules, sila ay gagabayan ng mga mentors sa mga kailangang kasanayan (skills), sa lecture at direct coaching (one-on-one) at iba pang capacity building exercises para mapasama sila sa grupo ng mga lumalagong negosyante sa lalawigan.
Matapos ang 11 linggong pagsasanay, sila ay gagawaran ng DTI ng certificate of completion sa isang simpleng graduation, hudyat ng pagsisimula ng mas seryosong operasyon ng kanilang mga negosyo.

Facebook Comments