25 pares sa Kasalang Bayan sa Maiveles

25 pares sa Kasalang Bayan sa Maiveles

25 pares sa Kasalang Bayan sa Maiveles

121
0

MARIVELES, Bataan – Ikinasal ni Mariveles Mayor Ace Jello Concepcion ang 25 pares ng mag-sing irog na matagal nang nagsasama sa isang bubong subalit hindi pa kasal.
Ang “Kasalang Bayan” ay isa sa mga tampok ng taunang pagdiriwang ng Liberation Anniversary at kapiyestahan ng Mariveles sa Pebrero 24. Dinaluhan din ng mga kagawad ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Angelito Rubia ang naturang Kasalan na ginanap sa Peoples Park.
Sinabi ni Mayor Ace Jello na ngayong legal na ang pagsasama ng mga mag-asawa dapat lamang umano na pasailalim na sila sa batas ng bansa at ng kumunidad.
Karamihan sa mga ikinasal ay may edad na at mag mga anak na. Dumalo din ang mga kamag-anak ng bagong kasal at kanya-kanyang selfie picture taking.

Facebook Comments