25K na puno, naitanim na para sa 1M41B challenge

25K na puno, naitanim na para sa 1M41B challenge

25K na puno, naitanim na para sa 1M41B challenge

122
0

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Sa flag raising ceremony kahapon, masayang ibinalita ni Gov. Abet Garcia na umabot na sa 25K ang mga punong naitanim para sa 1MILLION TREES 4 1BATAAN Challenge.
Binigyang diin ni Gov. Garcia na natutuwa siya na marami na ang nagtatanim ng puno subali’t hindi umano sapat na naitanim lang ito kundi siguruhin na ito ay mabuhay at hindi masayang ang ating pagsisikap.
Ayon pa sa kanya, kinakailangan umano na balikan, bisitahin ang ating itinanim na puno, tingnan baka ito ay kinain na ng kambing, iayos, alagaan, diligan at kausapin para ito ay sumigla upang sa paglaki nito ay makasiguro tayo ng malinis na hangin para sa ating lalawigan.
Pinaalalahanan naman niya ang iba pang departamento ng probinsya na hindi pa nakapagtatanim, dahil aniya pa, masyado nang abala ang mga tao kapag sa buwan ng Disyembre ginawa ito dahil may mga paghahanda na para sa kapaskuhan.
Tunay na nakatutuwa na nakapagtanim na tayo ng 25K na puno ayon pa kay Gov. Garcia na walang ginastos ang ating gobyerno.

Facebook Comments