40 service vehicles, ipinamahagi sa mga barangay

40 service vehicles, ipinamahagi sa mga barangay

40 service vehicles, ipinamahagi sa mga barangay

141
0

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Sinimulan nang i-turn over ni Cong. Joet Garcia ng 2nd district ng lalawigan, ang may 40 service vehicles sa mga barangay officials na maagang naka kumpleto ng kanilang 10 year
Development Master Plan, na ginanap sa 1Bataan Command Center noong nakaraang Biyernes.
Ayon kay Cong Joet, unang nakatanggap ang 10 barangay: 8 sa Balanga City, Cupang West, Bagong Silang, Lote, Puerto Rivas, Tortugas, Cupang North, Dangcul, Sibacan at Cabog-Cabog gayundin ang mga barangay ng Balut II at Wawa sa bayan ng Pilar na naunang nakapag submit ng mga kumpletong barangay development masterplan.
Ipinaliwanag ni Cong Joet na 10 pa lang ang naunang nabigyan dahil sila ang may mga kumpletong papeles na, gayunpaman ay nandoon na ang 30 pang sasakyan para sa 30 barangay na kasama rin sa mga naunang nakapagsumite ng masterplan danga’t hinihintay na lamang ang karagdagang pang papeles para mai turn over na rin ang mga sasakyan sa kanila.
Binigyang diin ni Cong Joet Garcia na higit na makapaglilingkod ang mga bgy. officials sa kanilang mga nasasakupan, sa mga mamamayan na maibigay ang mga pangunahing pangangailangan kung kumpleto ang mga impormasyon tungkol sa mga constituents nila at kabuuan ng barangay na nakapaloob sa kanilang masterplan.

Facebook Comments