600 MW thermal power plant, itatayo sa Bataan

600 MW thermal power plant, itatayo sa Bataan

600 MW thermal power plant, itatayo sa Bataan

272
0

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Isang Memorandum of Understanding ang nilagdaan ng Hanjo Group Manufacturing Incorporated (HJGMI) at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan hinggil sa pagtatayo ng 600 MW Thermal Power Plant na aabot umano sa halagang $1 Bilyon noong ika-7 ng Marso sa Bulwagan ng Bayan ng lungsod na ito.
Ayon kay Hak Joo Choi napili ng kanilang kompanya na magtayo ng kanilang negosyo sa Bataan dahil sa mahusay at magandang pagtanggap o pakikitungo ng mga opisyal ng Lalawigan sa pamumuno ni Bataan Governor Garcia sa mga negosyante.
Isa rin sa nakita ng grupo ng HJGMI kung bakit nagustuhan nilang pagtayuan ng kanilang planta ang lalawigan ay ang kaaya-ayang lugar at tahimik na pamayanan.
Sinabi ni Governor Garcia, napakahalaga para sa lalawigan na maitayo agad ang isang thermal power plant dito, dahil sa patuloy na paglobo ng populasyon ay kailangan ito ng mamamayan kasabay ng mabilisang paglago ng ekonomiya ng probinsiya.
Ipinahayag pa ng Ama ng Lalawigan na tutulong ang pamahalaan sa pag-aayos ng mga kakailanganing dokumento sakali mang makahanap na ng lugar na pagtatayuan ng nasabing planta.

Facebook Comments