Araw ng Kagitingan, muling sinariwa

Araw ng Kagitingan, muling sinariwa

Araw ng Kagitingan, muling sinariwa

213
0

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Muling sinariwa sa ala-ala ng mga Pilipino lalo na ng mga beterano ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang katapangan at pagmamahal sa bayan sa ika-77 taong paggunita sa Araw ng Kagitingan na ginanap sa tuktok ng Bundok Samat sa Brgy. Diwa Pilar, kahapon, ika-9 ng Abril.
Isa si G. Desiderio Rivera Mora, 98 taong gulang mula sa bayan ng Candelaria, Zambales ang walang sawang umaakyat sa Mt. Samat National Shrine sa tuwing sasapit ang ika-9 ng Abril para maalala ang mapait na karanasan sa pagsakop ng mga Hapon.
“Noong Death March nakaisip akong tumakas nang hindi namalayan ng mga nakabantay na mga hapon, nagtago ako sa tubuhan at kumain ng tubo sa loob ng tatlong araw” ani pa ni Mang Desiderio.

Hindi lang si Mang Desiderio ang natuwa kundi pati na rin ang mga beterano na mga taga Bataan at isa na rito si Kagawad Benigno Amio Jr. anak ng isang baterano ang pagtaas ng buwanang pension na halagang P20,000 para sa mga buhay na beterano.
Samantala, naging makulay ang isinagawang Foot Parade at Parade of Floats kaugnay ng ika-77 taong Paggunita sa Araw ng Kagitingan na may temang Sakripisyo ng Beterano ay Gunitain, Gawing Tanglaw ng Kabataan Tungo sa Kaunlaran noong ika-8 ng Abril na nilahukan ng ng iba’t ibang malalaking organisasyon sa Lalawigan.

Facebook Comments