Assets ng CEMBA, lumobo

Assets ng CEMBA, lumobo

Assets ng CEMBA, lumobo

495
0

LUNGSOD ng BALANGA, BATAAN – Maraming mga kasapi ng Capitol-Employees of Bataan Multi-Purpose Cooperative CEMBA ang nasisiyahan at may malaking tiwala sa pamamalakad sa nasabing kooperatiba dahil sa lumalaking assets nito.
Ayon kay CEMBA Manager May Hizon ay lumobo sa halagang P88,960, 814 ang kabuuang assets nito hangang December 31, 2018 kung ikukumpara noong March 31, 2017 na nasa P55,938,167.42.
Idinagdag pa ng Manager na sa kasalukuyan ang CEMBA ay may 1,043 miyembro at may paid up capital na P21,942,560.42.
Mahigpit ang mga opisyal ng kooperatiba kaya napapangalagaan nila ang pera ng mga kasapi, at siguradong may bonus ka pagsapit ng Disyembre.
“May isa pa kaming programa sa kooperatiba na pag sumapit ang kaarawan ng miyembro sila ay makakatanggap ng regalo o cash mula sa CEMBA” ani pa Ms. Hizon
Kaugnay nito hindi lang Quick Cash Loan mayroon ang CEMBA may tinatawag silang Instant Cash Loan, Back to Back Loan, Multi Purpose Loan, Salary Loan, Business Loan, Balance Transper Loan, Educational Loan, ATM Loan, Appliance Loan, Midyear Loan,13th Month Loan, Grocery Loan, Tricycle Loan, at PEI Loan.
Kaya naman dapat nating suportahan at itaguyod ang ating kooperaatiba.

Facebook Comments