Bagac Basketball League nagsimula na

Bagac Basketball League nagsimula na

Bagac Basketball League nagsimula na

90
0

BAGAC, Bataan – “Gusto ko mag-enjoy kayo ngayong bakasyon. Paki-usap ko lang sa inyo, huwag kayong mag-away-away,” ito ang mensahe ni Bagac Vice Mayor Ron del Rosario sa pagbubukas noong Sabado ng inter-barangay basketball league.
Sinabi ni Del Rosario na sagot niya lahat ang mga uniporme at bola ng bawat manlalaro sa 14 na barangay ng Bagac.
Ang basketball game ay gaganapin sa bawat barangay ng naturang bayan at magtatapos sa buwan ng Mayo 2019. May nakalaan umanong malaking premyo sa mgacha-champion ng basketball league.
“Kaya galingan nyo sapagkat meron naghihintay na malaking premyo sa mananalo,” giit pa ng batang bise-alkalde.
Ayon pa sa kanya, sa kaunana-unahang pagkakataon ay wala umanong ginastos ang lokal na pamahalaan sa naturang sport event.

Facebook Comments