Bagac, kinilala dahil sa mga programa sa nutrisyon

Bagac, kinilala dahil sa mga programa sa nutrisyon

Bagac, kinilala dahil sa mga programa sa nutrisyon

464
0

Ibinahagi ni Mar Jay S. Delas Alas, PIA-Bataan

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Kinilala ng Bataan Provincial Health Office ang bayan ng Bagac dahil sa mahusay na pagpapatupad ng mga programa sa nutrisyon.

Pumangalawa ito sa Most Outstanding Municipality in Nutrition kung saan ang bayan ng Morong ang nanguna.

Ayon kay Municipal Nutrition Action Officer Ruth Banzon, naging matagumpay ang kanilang bayan sa pagpapababa ng bilang ng mga batang malnourished o kulang sa timbang sa pamamagitan ng feeding program at pagbibigay ng bitamina sa mga bata.

Pananatilihin aniya nila ang kanilang mga programa na may patungkol sa wastong nutrisyon upang matiyak na maayos at malusog ang kanilang mga mamamayan.

Kabilang sa mga layunin ng pamahalaang panlalawigan ng Bataan ang pahabain ang life expectancy ng bawat nasasakupan sa pamamagitan ng pagpapalawig ng mga programang pangkalusugan.

Facebook Comments