Balanga PNP handa sa seguridad sa barangay election

Balanga PNP handa sa seguridad sa barangay election

Balanga PNP handa sa seguridad sa barangay election

317
0

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Sa panayam sa Power Radio 104.5 FM kahapon, sinabi ni bagong Chief of Police Col. Byron Allatog na mataas ang morale at handang handa na ang kabuuang puwersa ng kapulisan sa nasabing lungsod sa darating na barangay eleksyon sa Lunes.

Ayon pa kay Col. Allatog, masasabi niyang maayos ang sitwasyon ng lungsod sa nagaganap na kampanya ng mga kandidato na kanilang susubaybayan hanggang ika-12 ng Mayo.
Tiniyak din niya na pananatilihin ang peace and order sa 25 barangay na kung saan ay magtatalaga sila ng mga pulis sa may 173 presinto para sa nasabing eleksyon.

Bagamat positibo na generally peaceful ang assessment ni Col. Allatog, sinabi niyang hindi sila dapat maging palagay ang loob sa sitwasyong ito kundi maging handa  ang kapulisan sa anumang untoward or unexpected incident habang papalapit ang eleksyon, kung kaya’t ngayon pa lang ay mayroon na silang ihinahandang  mga grupo ng SAF (Special Action Force) o quick response team na siyang reresponde kung may mga emergency situation, sinabi pa ni Allatog na, “the police force must be five steps ahead with the plans”.

Ang nasabing TOYM (Ten Outstanding Young Men of the Phil.) awardee last 2017 dahil sa kanyang mapayapang pagsugpo sa droga habang nakatalaga sa Bogo City, Cebu bago ma asssign sa Balanga City,  na apat na araw pa lang ay sinalubong na ng sunog sa Victoria Galeria na ayon pa sa kanya ay kanyang “baptism of fire” ay maayos umano niyang nailatag ang role ng kapulisan at sa ngayon sa kanyang pang 15 araw dito sa siyudad ng Balanga ay nakapag adjust na umano siya at hihintayin niya lang umano na matapos ang barangay election para naman mailatag na ang kaniyang plano upang maitaas pa ang antas ng performance ng kapulisan.

Sa ngayon ayon pa kay Col. Byron Allatog na mataman niyang pinag aaralan ang pagkakaroon ng bike patrol ng PNP kasama ang marshal sa U-Town universities, ang maging IT-based ang police station ng Balanga, ang pagkakaroon ng composite team tungo sa peace and order at higit ang target nila na maging drug cleared city ang Lungsod ng Balanga.

Nagpapasalamat siya sa 100% na suporta ni Mayor Francis Garcia at iba pang mga opisyal sa kanyang pamumuno sa PNP ng siyudad.

Facebook Comments