Balanse ang komersyalisasyon at agrikultura sa Balanga

Balanse ang komersyalisasyon at agrikultura sa Balanga

Balanse ang komersyalisasyon at agrikultura sa Balanga

276
0

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Hindi nakaaapekto ang pagliit ng mga lupang sakahan na tinatayuan ng mga komersyal na establisimyento sa lungsod na ito.
Ito ang nilinaw ni City Agriculturist at City Environment and Natural Resources Officer Nerissa Mateo sa isang panayam sa kanyang tanggapan noong nakaraang linggo.
“Ang dating 1,600 ektaryang sakahan, ngayon ay nasa 1,200 ektarya na lamang subalit ayon kay Mateo hindi gaanong malaki ang epekto ng komersyalisasyon dahil, nabawasan man ang production area, patuloy ang progreso ng Lungsod.
Idinagdag pa ng Hepe ng Agriculture at ng ENRO na patuloy man ang pagtatayo ng komersyal hindi naman umano nila pinapabayaan ang Agricultural sector sa paraang iyung mga idle lands na hindi dating natatamnan ay ginagawa nilang productive sa tulong ng Department of Agriculture (DA) at National Irrigation Administration (NEA) dahil napalalagyan ng patubig o water pump ang mga kataasan.
Sinisikap ng ating pinuno ng lungsod, City Mayor Francis Garcia na ibalanse ang komersyalisasyon at agrikultura. Isa na dito ay ang KAANIB Program ng Lungsod kung saan tinatamnan ng iba’t ibang klaseng gulay ng ating mga kababayan ang mga bakanteng lote na ginagawa nilang vegetable garden na napakalaking tulong sa barangay, dagdag pa ni Mateo.

Facebook Comments