Bataan Risers, muling pinasaya ang mga fans

Bataan Risers, muling pinasaya ang mga fans

Bataan Risers, muling pinasaya ang mga fans

436
0

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Napanatili ng Bataan Risers ang kanilang team standing (17-2) sa ginaganap na Datu Cup ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) nang magapi nila ang Novatos Clutch sa final score na 84-78 sa laban noong Miyerkoles ng gabi sa Bataan Peoples Center.
Magkakahalong sayaw, sigaw at palakpak ng mga Bataeños ang nanaig sa People’s Center nang 20 segundo na lamang ang nalalabing oras at lumamang ang Bataan ng apat na puntos na nagresulta sa panalo nila.
Pinasalamatan muli ni Bataan Risers Team Manager Forghie Hermida ang walang sawang suportang ibinibigay nina Bataan Governor Albert Garcia, 1st District Congresswoman Geraldine Roman, 2nd District Congressman Joet Garcia at mga fans.
Tinanghal namang best player of the game si Richard Escoto.

Facebook Comments