Bataan Risers, naka Meet-n-Greet ang mga estudyante ng BPSU – Main

Bataan Risers, naka Meet-n-Greet ang mga estudyante ng BPSU – Main

Bataan Risers, naka Meet-n-Greet ang mga estudyante ng BPSU – Main

20
0

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Naka “Meet-n-Greet” ng mga players ng ating Bataan Risers ang mga estudyante ng Bataan Peninsula State University – Main Campus noong Miyerkules, ika 11 ng Setyembre.
“Full Force” ang mga players pati na ang mga coaches sa pagpunta sa nasabing unibersidad.
Kabilang sa mga pumunta ay sina Gary David, Pamboy Raymundo, Roby Celiz, at ang ‘alumnus’ ng BPSU na si Christian Capuli. Si Capuli ay dating varsity player ng BPSU. Kasama din ng mga players ang kanilang Head Coach na si Jojo Lastimosa, at mga Assistant Coaches na si Jonas Villanueva, Vic Pablo at Ervin Sotto. Nagpasalamat si ‘Coach Jolas’ sa mga sumusuporta ng Bataan Risers at ipinangako niya na gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya para makamit ang kampyonato.
Bago naganap ang ‘meet-n-greet’, nakipag salu-salo ang mga players kay Bataan Governor Abet Garcia. Nagpasalamat si Gov. Abet sa binibigay na karangalan ng Risers sa probinsiya ng Bataan. Dahil dito, binigyan ni Gov. Abet ang mga players at coaches ng regalo bilang “reward”o simbolo ng kanilang pasasalamat sa ipinapakitang husay at dedikasyon ng koponan para makamit ang kampyonato para sa ating lalawigan.

Facebook Comments