Bgy. Daungan pinarangalan dahil sa segregation

Bgy. Daungan pinarangalan dahil sa segregation

Bgy. Daungan pinarangalan dahil sa segregation

111
0

HERMOSA, Bataan – Ginawaran ng sertipiko ng pagkilala (certificate of recognition) nitong nakaraang Lunes ang pamunuan ng Barangay Daungan sa Hermosa dahil sa katangi-tangi at husay nito sa pagpapatupad ng segregation o paghihiwalay ng nabubulok at hindi nabubulok.
Sinabi ni Atty. Joseph Mark Sabado, kalihim ng Sangguniang Bayan ng Hermosa, na ang pagkilala ay iginawad kay Barangay Captain Edgar Rivera ng Daungan sa flag ceremony noong Lunes.
Nakamit ng Daungan ang mahusay na pagpapatupad ng segregation program dahil sa matiyagang pagsubaybay ni Kapitan Rivera sa mga residente na masinop ang basura at paghihiwa-hiwalay nito upang madaling mahakot ng garbage truck.
“Sa 23 barangay ng Hermosa tanging Daungan lamang nakakuha ng malaking puntos sa segregation,” pahayag ni Sabado.
Ang segregation ay matagal nang ipinatutupad ni Hermosa Mayor Jopet Inton kaugnay ng solid waste management program.

Facebook Comments