“Binhian ng Bayan” sa Balanga

“Binhian ng Bayan” sa Balanga

“Binhian ng Bayan” sa Balanga

751
0

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Pinangunahan nina Balanga City Mayor Francis Anthony Garcia, Vice-Mayor Vianca Lita Gozon, mga kaanib ng Sangguniang Panlungsod at mga kawani ng City Agriculture Office ang pamamahagi ng binhi (RC300) sa mga magsasaka kaninang umaga sa City Hall.

Kung bibilhin sa merkado ang nasabing binhi ng palay, ang bawat 40 kilo nito ay nagkakahalaga ng P1,360.

Sa ilalim ng programa ng Pamahalaang Panlungsod na “Binhian ng Bayan” mayroong seed subsidy na P660, kung kaya’t babayaran na lamang ng mga magsasaka ang binhi sa halagang P700.

Facebook Comments