Bokal Teri, patuloy ang serbisyo

Bokal Teri, patuloy ang serbisyo

Bokal Teri, patuloy ang serbisyo

107
0

BALANGA CITY, Bataan – Bagama’t mawawala na sa posisyon si Bokal Dexter Dominguez aka Teri Onor sa July1, 2019 sinabi niyang patuloy pa rin umano siyang magseserbisyo sa mga mamamayan sa unang distrito partikular na sa bayan ng Abucay.
Ginawa niya ang nasabing pahayag na ito kasabay ng paglulunsad niya ng kanyang adbokasiyang LOVE TERI sa closing ceremony ng Brigada Eskwela sa Bonifacio Camacho National High School, nang nakaraang Sabado.
Sa nasabing paglulunsad ng LOVE TERI, ay personal na nagdonate si Bokal Teri ng isang Suzuki Super Carry van na personal na tinanggap ni Dr. Myrna
Castillo, Principal ng nasabing paaralan, na ayon pa kay Bokal Teri ay magagamit nila sa iba’t ibang aktibidades ng paaaralan para sakapakanan ng mga mag aaral lalo na sa mga emergency situations.
Ipinaliwanag ni Bokal Teri na ang “LOVE TERI” ay sumasagisag sa kanyang adbokasiya na Transparency, Equality, Resiliency at Integrity, na may mga programang livelihood and skills enhancement program, organized climate change action plan, valuable health care services at education for all. Dagdag pa niya, “I will not stop serving my constituents”, na ang paglilingkod naman umano ay kahit wala ka sa posisyon.
Nagbigay din si Bokal Teri ng “paging system” sa nasabing paaralan, na ayon pa sa kanya ay gayundin ang ibibigay niya sa mga barangay para maging mas mabliis ang paghahatid ng impormasyon sa mga mamamayan.
Nakasungkit din si Bokal Teri sa Dept. of Education ng mga proyektong school buildings na may 8 hanggang 12 classrooms na kung saan ay halos lahat ng paaralan sa Abucay at iba pang paaralan sa unang distrito ay nakatakdang magkaroon, samantalang ang iba ay ginagawa na at matatapos na in time for the opening of classes ngayong buwan ng Hunyo.

Facebook Comments