Brgy. Naparing, mapalad na barangay – Mayor Gila

Brgy. Naparing, mapalad na barangay – Mayor Gila

Brgy. Naparing, mapalad na barangay – Mayor Gila

463
0

DINALUPIHAN, Bataan – Ang Barangay Naparing ang pangatlong barangay sa bayang ito na nagdaos ng barangay day, na ayon kay Mayor Gila pipilitin nya na lahat ng kanilang 46 na barangay ay madalaw nila.

Sa bawat pagdaraos ng barangay day laging ipinaliliwanag ni Mayor Gila ang kanilang layunin na maibaba sa mga mamamayan sa barangay ang mga programa at serbisyo ng pamahalaan lalo na ang mga prayoridad na programa ng kanyang administrasyon tulad ng edukasyon, kalusugan at pagkakaisa ng mga mamamayan at opisyal ng bayan tungo sa pag-unlad.

Ito umano, ayon pa sa masipag na punong-bayan, ay isang magandang pagkakataon para sa kanilang mga nanunungkulan na direktang marinig o malaman ang hinaing at mga pangunahing pangangailangan ng kanilang mga mamamayan.

Natutuwa umano siya na ang Brgy. Naparing ay masasabing mapalad na barangay sa kanyang bayan dahil kumpleto sa istraktura partikular na sa edukasyon dahil mayroon silang magandang Day Care Center, elementary school at high school buildings.

Naalala umano niya ang programa ng kanyang namayapang ama na si dating Congressman Tet Garcia na, nais nitong ang bawat pamilya ay may isang anak na nakapagtapos sa kolehiyo, dahil ito aniya ang tiyak na tutulong at magtataguyod sa pamilya. Kaya nga, dagdag pa niya, nagkaroon ng Iskolar ng Bataan program na hanggang sa ngayon ay isinusulong pa rin ng lokal na pamahalaan.

Sa nasabing barangay day ay ipinaliwanag din ni Mayor Gila ang vision ng Dinalupihan na maging isang madernong “Agropolis”, na mula sa makabagong teknolohiya ay mapalago nila ang kanilang agrikultura at umunlad ang mga magsasaka.

Kasama niya sa bawat barangay day ang Vice Mayor, mga konsehal gayundin lahat ng department heads at staff nito para matulungan ang mga mamamayan sa serbisyo sa kalusugan (DOH), sa DSWD, sa pagkuha ng birth certificate, serbisyo sa mga senior citizen at iba pa.

Isinabay na rin sa nasabing barangay day ang pagbabasbas sa bagong barangay hall at barangay health center sa tulong ni Congresswoman Geraldine Roman at BuB project na talaga namang pinasalamatan ni Brgy. Capt. Herminio Mangubat na aniya pa ay malaking tulong para sa kanyang mga kababayan.

Facebook Comments