Home News Education Brigada Eskwela, sisimulan na!
Brigada Eskwela, sisimulan na!

Brigada Eskwela, sisimulan na!

95
0

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Sisimulan na sa ika -15 ng buwang ito ang taunang Brigada Eskwela  sa Balanga Elementary School sa Barangay Talisay ng lungsod na ito.

Ayon kay Dr. Jennifer De Guzman, Principal ng nasabing paaralan na ang Brigada na taun-taong ginagawa ng mga guro at magulang sa buong bansa para mapaghandaan ang pagbubukas ng klase sa ika-5 ng Hunyo ay tatagal hanggang sa ika-20 ng buwang ito.

Sinabi naman ni G. Randy Tallorin, Asst. Principal na kabilang sa mga makakatulong sa gagawing Brigada sa naturang eskwelahan, ang mga opisyal ng Barangay at mga NGOs.

Ipinaliwanag naman ni G. Ramir Piguracion, guro, ang mga ginagawa nila pag may Brigada gaya ng paglilinis ng paligid ng eskwelahan, pagpuputol ng mga halaman, pagtatanggal ng basura, pag-aayos ng mga gamit sa loob ng paaralan, pagkumpuni sa mga silyang sira at pagpipintura sa mga dinding at pader kung kinakailangan.

“Ginagawa namin ang mga ito para sa pagpasok ng mga bata sa Hunyo ay maaliwalas na ang paligid at ligtas sila sa dengue,” pahayag naman ni Ms. Fe Alma Espidido, guro.

Kaugnay nito nananawagan si Dr. De Guzman sa lahat na makiisa sa kanilang gagawing Brigada Eskwela.

Facebook Comments