Coastal cleanup, nilahukan ng mga opisyal ng barangay

Coastal cleanup, nilahukan ng mga opisyal ng barangay

Coastal cleanup, nilahukan ng mga opisyal ng barangay

92
0

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Nilahukan ng mga opisyal ng Barangay Central ang taunang Coastal Cleanup Day nitong nakaraang Sabado, ika-22 ng Setyembre ng lungsod na ito.
Ayon kay Kagawad Moris Layug hindi na sila lumayo pa para lamang maglinis ng mga kalat sa karagatang bahagi ng Lungsod kundi sa kanilang Barangay na lamang.
Sa pangunguna ni Punong Barangay Romeo Caparas nilinis nila ang mga kanal saka inalis ang mga plastik na nakabara na siyang dahilan ng pagbaha sa tuwing walang puknat ang pag-ulan.
Sinabi ni Kagawad Layug na sana ugaliin na ng kanilang mga kabarangay na iyung mga plastik na hindi naman natutunaw ay huwag nang itapon sa mga kanal kundi idiretso na sa mga basurahan dahil araw araw naman itong pinipik-up ng trak ng basura ng Lungsod.

Facebook Comments