Consumer Month, ipinagdiriwang

Consumer Month, ipinagdiriwang

Consumer Month, ipinagdiriwang

83
0

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Ipinagdiriwang ng Department of Trade and Industry ngayong buwan ng Oktubre ang Consumer Month sa pamamagitan ng pagdaraos ng iba’t ibang programa sa buong buwan.
Ayon kay Bb. Connie Sanico, Division Chief, Consumer Welfare nagsimula sila ang kanilang mga gawain, noong una hanggang ikatlong araw ng buwang kasalukuyan kung saan binigyan nila ng briefing ang mga matatanda sa mga bayan ng Orion at Orani para malaman nila ang mga kanilang karapatan at prebelihiyo sa pagbili ng gamot o kaya man sa paninda. Ang programa ay nagtapos sa isang salu-salo kasama ang mga opisyal ng mga nasabing bayan at DTI Bataan.
Ginaganap naman sa Barangay Pto. Rivas ang Consumer Education noong ika-8 ng Oktubre para ipatatak sa isipan ng mga senior citizens ang kanilang karapatan bilang mamimili sa mga department stores, palengke, food house, botika at iba pa.
Isang On the Spot Poster Making contest naman na regular nang isinasagawa ng DTI-Bataan ang lalahukan ng 30 kabataang mag-aaral mula sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan sa ika-11 ng Oktubre.
Bubuksan naman sa ika-23 ng Oktubre ang isang Negosyo Center sa Orion. Ito na ang pangwalong Negosyo Center na naitatayo ng DTI sa Bataan.

Facebook Comments