Dalawang suking tindahan, kinilala ng DTI

Dalawang suking tindahan, kinilala ng DTI

Dalawang suking tindahan, kinilala ng DTI

99
0

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Dalawang kooperatiba ang binigyan ng Certificate of Recognition at Seal of DTI Suking Tindahan.
Ang Certificate of Recognition at Seal of DTI Suking Tindahan para sa Abucay Multi-Purpose Cooperative “Koop Merkado” ay tinanggap ni Gng. Eloisa C. dela Cruz, General Manager. Si Gng. Yolanda E. Manalo, Board of Director Chairperson ang tumanggap ng award para sa Morong Multi-Purpose Cooperative.
Ayon kay DTI-Bataan Director Ms. Nelin Cabahug, nabigyan ng pagkilala ang dalawang kooperatiba dahil sa umano’y sinusunod ng mga ito ang mga patakarang itinakda ng DTI, isa na ang pagsunod sa mga presyo ng mga bilihin na itinitinda ng mga ito.
Inaasahan ni Director Cabahug na sa susunod na mga taon, dadami pa ang mga kooperatiba sa Bataan ang mabigyan ng ganitong pagkilala para sa ikauunlad ng pamayanan.

Facebook Comments