Depensa at presensya sa loob, susi sa pagkapanalo ng Risers!

Depensa at presensya sa loob, susi sa pagkapanalo ng Risers!

Depensa at presensya sa loob, susi sa pagkapanalo ng Risers!

269
0

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Dahil sa matinding depensa na pinadama ng ating Bataan Risers at maging sa presensya nila sa loob o sa “paint”, nakamit muli nila ang kanilang panalo laban sa Navotas Clutch sa iskor na 84 – 78. Ginanap ang nasabing laban ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) – Datu Cup kagabi, Enero 16, sa Bataan People’s Center, sa nasabing lungsod.
Natamo ng Risers ang 28 points from turnover kontra sa 11 points from turnover lamang ng Clutch. Samantala, gaya ng mga nakaraan nilang laro, dominado ng Risers ang loob dahil nakapagtala sila ng 49 rebounds kontra sa 41 rebounds lamang ng Clutch.
Best Player of the Game ay si Richard Escoto na nakapagtala ng 15 points, 7 rebounds, at 4 assists. Sa ngayon ay numero uno pa rin ang Bataan Risers sa Nothern Division ng MPBL.
Susunod na laban ng ating Bataan Risers ay sa January 28, lunes sa ganap na alas-9 ng gabi kontra sa Laguna Heroes na gaganapin sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna.

Facebook Comments