Diskwento Caravan, dinagsa ng mamimimili

Diskwento Caravan, dinagsa ng mamimimili

Diskwento Caravan, dinagsa ng mamimimili

94
0

LUNGSOD ng BALANGA, BATAAN- Dinagsa ng ating mga kababayan ang huling araw ng Balik Eskwela Diskwento Caravan ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Plaza Mayor de Balanga noong Sabado ng gabi, ika-17 ng Mayo.
Ayon kay Bb. Tess Magtanong, Information Officer ng DTI mahigit 100 ang sumali ngayon na pawang mga Small Medium Enterprenuers mula sa iba’t ibang bayan na ilan dito ay taga Marikina pa.
Kasama sa mga mabibiki ay mga bag na gawa sa Mariveles, iba’t ibang masasarap na pagkaing gawa sa Bataan, alak gawa sa bignay, sapatos gawang Marikina, tinapa, papel, ballpen, school uniforms at iba pa.
Lahat ng bilihin dito ay mayroong 10 porsientong diskwento kaya naman marami sa ating mga kababayan ang nakabili di lamang ng mga gamit eskwela maging mga gamit din sa bahay.

Facebook Comments