DOH, nangako ng buong suporta sa Mariveles District Hospital

DOH, nangako ng buong suporta sa Mariveles District Hospital

DOH, nangako ng buong suporta sa Mariveles District Hospital

128
0

Ibinahagi ni Mar Jay S. Delas Alas, PIA-Bataan

MARIVELES, Bataan – Nangako ng buong suporta ang Department of Health o DOH sa bagong bukas na Mariveles District Hospital o MDH.
Ayon kay DOH Assistant Regional Director Ruben Siapno, magiging isa sa mga nangungunang ospital sa bansa ang MDH kung patuloy nitong palalawigin ang mga pasilidad at serbisyo.
Dagdag pa ni Siapno, naniniwala siya na makapagbahagi ang ospital ng tagumpay, parangal at ibat-ibang pagkilala na makakamit nito sa hinaharap.
Nakapagbigay na ang DOH sa bagong ospital ng mga kagamitan na magagamit sa pagpagbigay ng kalidad na serbisyo sa publiko.
Kabilang sa mga inisyal na pasilidad ng MDS ang outpatient department, emergency room, pharmacy, basic laboratory, dental at animal bite center. May serbisyo sa family planning at smoking cessation din ito.

Facebook Comments