“Door-to-Door” na regalo, ipinamahagi ni Mayor Gila sa Sr. Citizens

“Door-to-Door” na regalo, ipinamahagi ni Mayor Gila sa Sr. Citizens

“Door-to-Door” na regalo, ipinamahagi ni Mayor Gila sa Sr. Citizens

134
0

DINALUPIHAN, Bataan – Personal na pinuntahan ni Mayor Gila Garcia, kasama ang buong Sangguniang Bayan at si Bb. Ofel Mendoza, Municipal Social Welfare Officer, ang anim na senior citizens sa iba’t ibang barangay ng bayang ito, para ihatid ang tig-P20 thousand cash na regalo sa kanila sa pagsapit nila ng edad na siyamnapung taon.
Ayon kay Mayor Gila, naging regular na programa ng kanyang administrasyon, ang pagbibigay ng P20K sa mga umaabot sa edad na 90. Ito umano ay base sa ipinasang resolusyon ng Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice Mayor Renato Matawaran na sinimulan nila noong ika-5 ng Oktubre, 2018, kasabay sa selebrasyon ng Sr. Citizen month.
Sinabi ni Bb. Mendoza na kada may matandang magdadaos ng kanyang ika-90 kaarawan, ay nakahanda na ang kanilang badyet para dito. Niliwanag din niya na ang nasabing P20K na galing sa LGU ay iba pa sa ibibigay ng national government sa pamamagitan ng DSWD na P100K kapag dumating na sila sa edad na 100 taon.
Ang anim na matatandang nabenepisyuhan ng nasabing programa ay sina Gregoria Viray ng Bgy Saguing; Isidra Aquino ng Bgy Bonifacio; Luz Reyes ng Bgy Roxas; Felecitas Cruz ng Bgy Luacan; Asuncion Lagman ng Bgy Pentor at Patricia Viray ng Bgy Kataasan.

Facebook Comments