Farm to market road, minamadali

Farm to market road, minamadali

Farm to market road, minamadali

188
0

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Minabuti ng Pamahalaang Panlungsod sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Francis Garcia na madaliin ang pagpapagawa ng Farm to Market Road sa may kahabaan ng Sitio Maluang daan patungo sa Brgy. Dangcol ng lungsod na ito.
Ayon kay Engr. Jesus Mangalindan Jr., Engr. IV Planning & Programming Division Head aabot umano sa 328 metro ang haba ng daan na sesementohin na aabot sa halagang P4 milyon.
Sinabi pa ni Mangalindan na sinisiguro lamang ng Pamahalaang Panlungsod na hindi na aabutin pa ito ng tag-ulan kung kaya’t mapapabilis na ang paghahatid ng mga panindang gulay ng mga magsasaka sa pamilihan.

Facebook Comments