Female dorm sa Bataan District Jail

Female dorm sa Bataan District Jail

Female dorm sa Bataan District Jail

169
0

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Isa sa mga pinaka maayos na bahagi ng Bataan District Jail sa pamamahala ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ay ang female dorm.
Sa female dorm nakapiit ang inmates na kababaihan na may iba’t-ibang kaso, subalit ang kaso ng droga pa rin ang pinakamarami, halos 90 porsiyento.
Ang female dorm ay pinangangalagaan ng mga babae ring BJMP staff sa pamumuno ni Assistant Jail Warden Lt. Arlene Bentican. Ayon sa kanya, ang pinaka-matanda umanong babaing inmate sa naturang dorm ay 67-anyos na nagkakaso rin dahil sa droga.
Ang pinagkakaabalahan ng mga babaing inmate ay ang pagawa ng mga plastic wallet, laruan, at iba pang abubot na kanila namang ibenebenta sa mga interesadong mamimili sa dalaw, sa palengke, at sa mga nagdiriwang ng birthday at anniversary ng ilang commercial establishment.
Sa mga mahilig mag luto meron namang isang section ng dormitory na kung saan gumagawa sila ng candy, tinapay, at hopia. Ang kanilang produkto ay ibenebenta rin sa labas at inihahain din sa mga bisita.
Upang mapanatili ang kanilang spiritual aspect ng kanilang buhay mayroon din Bible study.

Facebook Comments