Gob. Abet pinangunahan ang Central Luzon Regional Anti-Illegal Drug Summit

Gob. Abet pinangunahan ang Central Luzon Regional Anti-Illegal Drug Summit

Gob. Abet pinangunahan ang Central Luzon Regional Anti-Illegal Drug Summit

228
0

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Pinangunahan ni Gob. Abet Garcia, na siya ring Chairperson ng Regional Peace and Order Council, ang pagsisimula ng Central Luzon Regional Anti-Illegal Drug Summit na ginanap kahapon, ika-18 ng Disyembre sa Lou-is Resort and Restaurant ng Lungsod na ito.
Sa kanyang mensahe, sinabi niya na dapat palakasin pa ang mga programa na ipinatutupad ng mga lokal na pamahalaan kabilang na ang mga barangay para makasabay sa nagbabagong panahon.
Sinabi din ni Gob. Abet ang mga programa ng pamahalaang panlalawigan ng Bataan para sa Anti-Illegal Drug, Peace and Order, at iba pa. Ipinagmalaki pa ni Gob. Abet na ang Bataan ay idineklara nang “Insurgency-free” na ang ibig sabihin ay wala nang namamayagpag na mga rebeldeng grupo sa Bataan. SInabi din niya na seryoso ang Bataan sa pagpapababa ng antas ng kriminalidad para manghikayat pa ng mga investors na mamumuhunan sa Bataan.
Sa huli, sinabi ni Gob Abet: ”Ang magandang maibibigay natin sa ating mga kababayan ay ang oportunidad na magkatrabaho. Dahil kung ang lahat ay may trabaho, walang kriminalidad at mapayapa ang ating bayan.”

Facebook Comments