Gov. Abet Garcia nagpasalamat sa mga donor

Gov. Abet Garcia nagpasalamat sa mga donor

Gov. Abet Garcia nagpasalamat sa mga donor

204
0

ORION, Bataan – Taus-pusong nagpasalamat si Bataan Gov. Albert Garcia sa mga taong tumulong sa mga biktima ng sunog noong nakaraang Martes sa Sitio Depensa, Barangay Capunitan, Orion.
Ang gobernador ay nagdaos ng kanyang kaarawan sa Bataan National School of Fisheries sa Orion noong Pebrero 1 na kung saan nakihalubilo siya sa mga pamilya ng nasunugan.
Sinabi ni Gov. Garcia na ang pamahalaang panlalawigan ay gumagawa ng lahat ng paraan para maibsan kahit papaanu ang paghihirap na sinapit ng mga nasunugan na umabot sa mahigit 1,000 pamilya na karamihan ay mga mangingisda.
“Narinig ko po ang inyong mga hinaing at nauunawaan ko kayo. Subalit, hayaan nyo munang maisaayos namin ang inyong relokasyon,” paliwanag ng gobernador.
Hiniling din ni Garcia ang malawak na pang-unawa ng mga apektadong residente at sinabi niyang “dalasan natin ang ating kunsultasyon at pag-uusap para hindi tayo magkamali.”
Ayon pa sa pinunong-ehekutibo ng lalawigan, ang lokal na pamahalaan ay gumagawa ng mga hakbang upang ang magiging relokasyon ay magiging isang modelo ng housing and township sa Bataan.
“Ang wish ko po sa aking kaarawan ay gumanda ang inyong buhay,” dagdag pa ni Garcia.

Facebook Comments