Guinness world record, nasungkit ng Balanga

Guinness world record, nasungkit ng Balanga

Guinness world record, nasungkit ng Balanga

916
0

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Nasungkit ng Pamahalaang Lungsod ng Balanga ang Guinness World Record sa World’s Largest Dance Fitness Class (#Hataw Balanga) kaninang alas 6:00 ng umaga na isinagawa sa Enrique Garcia Sr. Avenue (EGSA 4 Lanes) sa Barangay Tuyo, ng Lungsod na ito.

Pormal na iginawad ni Guinness World Records Adjudicator Kimberley Dennis ang sertipiko kay Balanga City Mayor Enrique “Joet” Garcia lll bilang pagkilala dahil sa dami ng bilang ng taong dumalo na umabot sa 16,218.

Naagaw ng Balanga City ang naturang titulo mula sa Mexico City (Zumba Dance) na nakapagtala lamang ng 6,630 taong dumalo.

Sinabi ni City Mayor Garcia na ang natamong karangalang ito ay inaalay niya sa kanyang mga kababayan lalo na sa mga kabataan na kung titingnan sa paglipas ng panahon pag sila ay malaki na may pamilya, maaalala nila ang March 18, 2016 nakisama sila, nakilahok sila sa Largest Dance Fitness Class na naging matagumpay.

Kaugnay nito pinasalamatan din ni Mayor Garcia ang kanyang mga kasamahan sa konseho, kababayan, mga guro, at mga leaders sa Barangay.

Dumalo at naki Zumba din sina Gov. Abet Garcia, Mayor Gila Garcia, mga kawani ng pamahalaang panlalawigan, mga mag-aaral, guro, at mga pribadong mamamayan.

Facebook Comments