Halalan sa Bataan, tahimik

Halalan sa Bataan, tahimik

Halalan sa Bataan, tahimik

324
0

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Siniguro ng Bataan Police Provincial Office at Commision on Election na wala umanong banta ng kaguluhan sa gaganaping halalan sa Mayo 13. 2019 sa buong lalawigan ng Bataan.
Sa isang pulong na idinaos kahapon, ika-29 ng Abril sa loob ng Camp Tolentino sa Lungsod na ito, sinabi nina Bataan Pnp Director Col. Villamor Tuliao at Provincial Comelec Supervisor Atty. Rey Cruz na handang handa na ang mga kapulisan at mga tauhan ng mga Comelec pati na mga presinto sa 11 bayan at 1 Lungsod sa gaganaping halalan.
Tiniyak naman ng Penensula Electric Cooperative PENELCO representative Engr. Edwin Zaldevar, head ng Enginering Department na gagawin nilang lahat ang kanilang serbisyo sakali mang magkaroon ng brown out sa lalawigan lalong lalo na sa araw ng eleksyon.

Idinagdag naman ni Atty. Cruz na mahigpit na ipinagbabawal na maglaan ang mga kandidato ng mga sasakyan na hahakot sa mga botanteng boboto.
“Pwede ninyong kuhanan ng picture iyung mga sasakyan na gagamitin ng mga pulitiko bilang ebedensiya para sila ay makasuhan, ito ay nagpapakita lang na may bilihan ng boto”.
Idinagdag pa ni Col. Tuliao na sa kasalukuyan, zero incident of election violence ang buong lalawigan.

Facebook Comments