Iba’t-ibang putahe mula sa kapis, itinuro

Iba’t-ibang putahe mula sa kapis, itinuro

Iba’t-ibang putahe mula sa kapis, itinuro

456
0

PILAR, Bataan – Ang mga kasapi ng Barangay Wawa Fish Sellers Association ng bayang ito ay nagsanay sa loob ng dalawang araw upang matutunan ang pagluluto ng iba’t-ibang putahe gamit ang laman ng kapis.

Ang nasabing proyekto ay inilunsad ng Municipal Agriculture Office sa pamumuno ni Julie Ann Dizon at sa tulong ni Pilar Mayor Alice Pizarro.

Ilan sa mga natutunan ng mga nagsanay ay ang paggawa ng Kapis Krispi, Chips, Adobo, Bottled Kapis at Bagoong.

Nanguna sa pagtuturo sina Gladys Resubal, Agnes Gurbuxani at Benjie Bugay pawang mga kawani sa Bureau of Fisheries Aquatic Resources Bataan.

Kaugnay nito pinasalamatan ni Maria Cecilia Ramos, Pilar Fisheries Technician ang mga trainors at participants dahil sa matagumpay na resulta ng  programa.

Facebook Comments