Ikalawang anibersaryo ng Bahay Pagbabago, ipinagdiwang

Ikalawang anibersaryo ng Bahay Pagbabago, ipinagdiwang

Ikalawang anibersaryo ng Bahay Pagbabago, ipinagdiwang

87
0

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Pinangunahan ni Mayor Gila Garcia ng Dinalupihan, Chief Superintendent General Rhodel Sermonia, Chief Police Community Relations Group (PCRG) at ng aktor na si Christopher “Boyet” de Leon ang pagdiriwang ng ikalawang taong anibersaryo ng Bahay Pagbabago sa bayan ng Dinalupihan, na dinaluhan din ng mga volunteers, mga opisyal ng iba’t -ibang ahensya ng pamahalaan at ng 50 graduates ng ika -18 batch sa Bahay Pagbabago. Ito ay ginanap noong nakaraang Biyernes, sa Bulwagan ng Bayan ng Dinalupihan.
Sa kanyang mensahe sinabi ni Mayor Gila na ang Bahay Pababago
ay pinagtibay ng panahon sa kanyang ikalawang yugto ng tahanang bumuo ng marami pang tahanan. Dagdag pa ni Mayor Garcia, na ang bahay pagbabago ay susi ng pinagsama-samang tiwala at pagtanggap ng bawat isa sa isang naligaw ng landas upang may maiwang positibong impact sa bawat pamilya.
Samantala, pinasalamatan ni Gen. Sermonia ang buong
pamunuan ng lokal na pamahalaan ng Dinalupihan sa pamumuno ni Mayor
Gila Garcia, mga ahensya ng pamahalaan, mga NGO’s at mga volunteers sa napakaganda at halos ay perpektong implementasyon ng Bahay Pagbabago sa bayan ng Dinalupihan na kanya umanong ipinagmamalaki sa ibat- ibang sangay ng PNP sa buong bansa na kanyang pinupuntahan.
Idinagdag din ni Sermonia na sa kanyang 30 taong serbisyo sa PNP, isa ang “tokhang” sa pinakamagandang programa ng PNP.
Ibang sigla ang ibinigay na mensahe ng inspirational speaker, ang aktor na si Christopher “boyet” de Leon na umamin na siya
rin ay naging biktima ng ipinagbabawal na gamot, na nagpagulo
ng kanyang buhay at ng kanyang pamilya ngunit dahil ang Diyos ay napakabuti, muli niyang nasumpungan ang katahimikan at kasayahan sa piling Niya kung kayat payo sa lahat ng surrenderees na manalig sa Kanya dahil ang Diyos lamang ang tanging sandiganat makatutulong sa atin.
Sa huli ay nagpamigay ang PNP ng mga training kits sa mga graduates upang ito umano ay makatulong sa kanilang paghahanap buhay.

Facebook Comments