Ilang tulay sa SCTEX, kinukumpuni na

Ilang tulay sa SCTEX, kinukumpuni na

Ilang tulay sa SCTEX, kinukumpuni na

100
0

Ibinahagi ni Shane F. Velasco, PIA

LUNGSOD ng Malolos – Sinimulan nang kumpunihin ang mga tulay ng Pinulot, Loakan at Cui na dinadaanan ng Subic-Clark-Tarlac Expressway o SCTEX sa bahagi ng Dinalupihan, Bataan.
Ito’y matapos maglaan ng 150 milyong piso ang NLEX Corporation para sa proyekto.
Ayon kay NLEX Corporation Corporate Communications Head Kit Ventura, layunin ng proyekto na mapatatag ang dike sa magkabilang bahagi ng tulay upang hindi gumuho kapag may rumagasang tubig lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.
Bukod dito, muling nagsagawa ng asphalt overlaying mula sa Tipo sa bukana ng Subic Bay Freeport hanggang sa La Paz, Tarlac kung saan nakakabit ito sa Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway.

Facebook Comments