Ilog ay pangalagaan, huwag pagtapunan

Ilog ay pangalagaan, huwag pagtapunan

Ilog ay pangalagaan, huwag pagtapunan

158
0

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan- Ngayong nalalapit na ang panahon ng tag-ulan mas lalo pang pinaigting ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) ang paglilinis ng mga ilog na sakop ng Lungsod.
Isa sa mga hakbang ay ang pagtatalaga ng mga tagapamulot ng mga nakalutang na basura sa ilog at sa paligid sa may bahagi ng Cupang Proper, North at Bagumbayan.
Isinisilid nila sa sako ang mga basurang napupulot at itinatabi sa itaas ng ilog na hahakutin naman ng trak ng basura.
Sinabi ni Bb. Nerisa Mateo, City Agriculturist at Environment and Natural Resources Officer na seryoso ang Lungsod na mapagyaman at panatilihin ang kalinisan ng kailugan pati na ganda ng kalikasan.
Kaya naman isang slogan ang ikinabit sa puno bilang paalala na nagsasaad na “ILOG AY PANGALAGAAN, HUWAG PAGTAPUNAN”.

Facebook Comments