International balloon and music festival, kasado na!

International balloon and music festival, kasado na!

International balloon and music festival, kasado na!

409
0

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Handang handa na ang mga opisyal ng Balloon Festival sa isasagawang International Balloon and Music Festival 2019 mula sa ika-5 hanggang ika-7 ng Abril sa Pradera Verde, Prado Siongco, Lubao Pampanga.
Sinabi ni G. Noel Castro, Event Chairman sa isinagawang presscon noong Sabado na 31 iba’t ibang hugis na lobo ang lilipad kasama na rito ang espesyal na 10 lobo sa kooperasyon ng Petron, San Mig Light, Red Horse, San Mig Zero,, No. 1 Hotdog Cheesiest, Jollibee Foods Incorporated, Monster RX 931, at Phil. Star.
Idinagdag pa ni G. Castro na ang International Balloon and Music Festival ay anim na taon nang sinusuportahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga sapagka’t napakalaking tulong at kahalagahan nito, hindi lang sa Pampanga kundi na rin sa mga karatig lalawigan dahil libong turista ang dadagsa na mag-aangat sa industriya ng turismo.
Ipinahayag naman ni G. Rambo Ortega, Head Organizer na marami ang mapapanood sa taong ito tulad ng balloon flight, music festival, night blow car show, off road roller cross, aereal show, fireworks display, food festival at bazaar.
“Hindi lang iyon ang makapagbibigay ng kasiyahan sa ating mga kababayan, dahil sa pagsisimula ng festival sa araw ng Biyernes kakanta ang December Avenue, Ben & Ben, Juan Carlos at I Belong to the Zoo. Sa Sabado naman ay mapapakinggan sina Apl. De Ap, Gloc-9, Shanti Dope at Al James at sa huling araw ng Linggo matutunghayan naman ng ating mga kababayan sina Bamboo, Moira at This Band ”pahayag pa ni Ortega.
May entrance fee na P350 bawat tao.

Facebook Comments