Isang milyong lapis, target ng Bataan PNP

Isang milyong lapis, target ng Bataan PNP

Isang milyong lapis, target ng Bataan PNP

561
0

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Pinangunahan nina Balanga City Administrator Rudy de Mesa, City Department of Social Worker Development Officer  Gloria Abejar,  Balanga City Lions Club Mercy Gonzales at tauhan ng Balanga City Police Station ang programang pangangalap ng 1 milyong lapis kaugnay ng selebrasyon ng National Children’s Month 2016.

Ayon kay Balanga City Chief of Police P/Supt. Joel Tampis, kapag nalikom na nila ng kanyang kasamahang mga hepe ng kapulisan sa buong lalawigan ang target na isang milyong lapis ay ituturn over ito sa Department of Education para maipamahagi sa mga batang mag-aaral.

Facebook Comments