Isang pangarap na natupad

Isang pangarap na natupad

Isang pangarap na natupad

226
0

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Malaking katuwaan sa mga mag aaral sa pagsisimula ng klase ngayong Lunes ang pagkakaroon ng bagong 2-storey  4-classsroom building sa Balanga Elementary School (BES) na handog ng SM Prime at SM Foundation.

Ayon kay School Principal Amelia T. Inieto, talagang kailangan nila ang dagdag na gusali dahil sa lumalaking populasyon ng mga mag aaral kung kaya’t ang handog na ito ng SM Foundation ay isang pangarap na natupad. Ayon sa mga opisyal ng SM Prime at SM Foundation, naniniwala sila sa kasabihan na kapag sinanay mo ang bata sa tamang landas, hindi siya aalis dito at patuloy na ito ay tatahakin, kung kaya’t patuloy nilang gagawin ang kanilang commitment sa pagtatayo ng mga fully-furnished public school buildings para sa maayos na pag aaral ng mga bata.

Nanguna si City Mayor Francis Garcia ng Balanga, kasama ang ilang opisyal  ng Balanga LGU gayundin mga namumuno ng SM Prime at SM Foundation sa ribbon cutting, kung saan sa kanyang mensahe ay nagpasalamat siya sa SM Prime at SM Foundation sa pagkakaloob ng nasabing gusali na aniya pa ay magsisilbing inspirasyon para sa maayos na pag aaral ng mga estudyante.

Ang naturang gusali ay fully furnished na may 200 armchairs, kung saan 20 dito ay left handed armchairs, 4 na teacher’s desks, 16 wall fans, 8 blackboards, 4 wall clocks at 4 na toilet, na ayon pa sa kanila, ito ang kauna-unahang school building na proyekto ng SM Prime at SM Foundation sa lalawigan ng Bataan.
Sinabi naman ni Ms. Inieto na ang nasabing gusali ay gagamitin ng mga batang nasa ika-6 na baitang. Sa kasalukuyan, ang BES ay may populasyon na 2,442.

Facebook Comments