Kalagayan ng mga manggagawa sa FAB, minomonitor

Kalagayan ng mga manggagawa sa FAB, minomonitor

Kalagayan ng mga manggagawa sa FAB, minomonitor

551
0

LUNGSOD ng BALANGA, BATAAN – Dahil sa patuloy na pagdami ng mga pumapasok na investors at pagtaas ng bilang ng mga trabahador minabuti ni Authority of the Freeport Area of Bataan Chairman at Administrator Emmanuel Pineda na imonitor ang kalagayan ng mga manggagawa.
Ayon kay AFAB Chairman Pineda, lagi silang nakamonitor kung mayroong mga trabahador na hindi maganda ang trato ng kanilang pinapasukan at hindi nagugustuhan ang pamamalakad ng mga kompanya.
“Masigla ang mga grupo ng unyon pero wala pa naman kaming nakikita na hindi pagkakaunawaan ng magkabilang panig at kung sakaling hindi maganda ang trato sa kanila ng mga kompanya ay pag-uusapan na lang nang maayos ” pahayag pa ng Chairman.
Napaganda at napasigla ang FAB dahil sa pagtutulungan at pagsusumigasig nina Bataan Governor Albert Garcia, Congressman Joet at Congresswoman Geraldine Roman.
Sa kasalukuyan ay mayroong 41,888 manggagawa sa loob ng Freeport Area of Bataan habang nasa 96 na kompanya naman ang bukas at patuloy ang operasyon.

Facebook Comments