Katahimikan, kailangang panatilihin

Katahimikan, kailangang panatilihin

Katahimikan, kailangang panatilihin

97
0

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Nagtalaga na si Bataan Provincial Director Police Col. Villamor Tuliao ng kanyang mga tauhan para makasiguro na hindi na mauulit ang karahasang naganap sa Barangay Sumalo, Hermosa, kung saan isa ang patay at dalawa ang sugatan.
Sa isang presscon nitong Lunes sinabi ni Col. Tuliao na pamumunuan ni P/Col. Rommel Velasco, Deputy Director for Administration ang isang grupo ng pulis para magpanatili ng katahimikan sa nasabing lugar.
Idinagdag pa ni PD tuliao na naglagay siya ng mga otoridad sa Brgy. Sumalo upang madaling makapagresponde ang kanyang mga kasamahang pulis sakali mang may maganap na kaguluhan sa paligid ng nasabing barangay.
Matatandaan na noong Sabado ay nagkaroon ng pagtatalo na nauwi sa karahasan.

Facebook Comments