Katatagan ng mga namumuno sa Bataan, hinangaan

Katatagan ng mga namumuno sa Bataan, hinangaan

Katatagan ng mga namumuno sa Bataan, hinangaan

137
0

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Hinangaan ni Under Secretary Gerardo Bayugo ng Department of Health ang katatagan ng Bataeño at mga namumuno sa lalawigan hinggil sa boluntaryong pangunguna sa pag-iimplementa ng Universal Health Care Law sa Bataan General Hospital and Medical Center.
“Palakpakan natin ang Bataan at inyong mga pinuno, natutuwa po kami dahil ngayon kailangan nating ipakita na maging matagumpay ang pagpapatupad ng batas at para ito mangyari ay kailangan po namin ng isang probinsiya o ng isang Local Government Unit na may matatag na namumuno kaya maraming salamat sa Bataan”, pahayag ni Usec. Bayugo sa idinaos na pasinaya ng Malasakit Center sa lalawigang ito.
Ayon pa kay Usec. Bayugo, isang magandang pagkakataon na ang Universal Health Care ay maisabatas para sa pagpapatupad ng pormula 1 plus Health ng ating Kalihim Francisco Duque ng DOH. Isa sa ibig niya umanong makita sa taong 2022, ay lahat ng Pilipino ay mapabilang sa mga may malulusog na pangangatawan at kaisipan sa South East Asia at pinakamalulusog sa Asia sa taong 2040.

Facebook Comments