Kita ng Sibul resort, napupunta sa mga programang pangkaunlaran

Kita ng Sibul resort, napupunta sa mga programang pangkaunlaran

Kita ng Sibul resort, napupunta sa mga programang pangkaunlaran

1.45K
0

ABUCAY, Bataan – Ang Sibul Resort sa bayang ito ay isa sa mga magagandang puntahan ng mga turista at maging ng ating mga kababayan  ngayong tag-init dahil sa isa ito sa mga kinagigiliwan na paliguan na mayroong malamig na tubig na nanggagaling sa mga ugat ng mga punong kahoy na nakapaligid dito.

Ang Sibul ay may isang Olympic size pool at dalawang maliliit na pool para naman sa mga bata.

Sa dami ng pumapasok at naliligo sa Sibul nagagamit ng Pamahalaang Bayan ng Abucay ang kita mula dito sa mga makabuluhang programa sa pangunguna ni Mayor Liberato Santiago.

Ayon Sonia O.Magtanong, ingat-yaman ng Abucay,  nitong 2016 ang Sibul Resort ay nakapagtala ng  kita na P6,395,283.00 kung saan ito ay pumasok sa General Fund para gamitin sa mga pangkaunlarang proyekto ng pamahalaan.

Idinagdag pa ni Magtanong na ngayong 2017 target ng lokal na pamahalaan na makolekta ang halagang P6,500,000.00, at sa nakikita umano ng tanggapan, malalampasan  nila ang kanilang inaasahan papasok na pera sa kabang yaman ng Abucay .

“Palagay ko kaya naming makolekta ang sinasabing kikitain ng Sibul ngayong taon dahil mula Enero hanggang Marso lamang ay nakakolekta na kami ng P577,300.00” sabi pa ng Tresorera.

Binanggit naman ni Municipal Administrator/Municipal Engineer Ernesto Vergara na ang pondong ipinasok ng Sibul Resort sa Pamahalaang Bayan ng Abucay ay napupunta sa improvement/development ng Sibul, pagpapatayo ng Abucay Arcade, concreting of roads at pagsasaayos ng municipal landfill para sa solid waste disposal.

Facebook Comments