“Laylayan” sa Rancho Bernardo, kasabay na umaangat

“Laylayan” sa Rancho Bernardo, kasabay na umaangat

“Laylayan” sa Rancho Bernardo, kasabay na umaangat

202
0

BAGAC, Bataan – Hindi na matatawaran ang pagtanyag ng Rancho Bernardo,
isang bagong bago at napakagandang Luxury Resort sa Sitio Kakiputan, Brgy Ibis, ng bayang ito na kung saan ayon sa Gen.Manager nito na si Ramon Martinez, ang target market umano nila ay mga westeners.
Sinabi rin ni dating Mayor Ramil del Rosario, isa sa may ari ng nasabing luxury resort na ang nais nilang maging mga kliyente ay 90% Europeans at 10% Asians dahil talaga umanong high end and kanilang operasyon subali’t nilinaw nya rin na sa kanilang pag angat ay hindi niya pwedeng pabayaan na maiwan ang kanyang mga kababayan na nasa laylayan, mga pamilyang naninirahan sa paligid ng Rancho Bernardo.
Kung kaya’t sa unti unting pag angat ng Rancho Bernardo ay sinimulan niya ang pag papaunlad ng mga residente ng Sitio Kakiputan, hindi lamang doon siya kumuha ng mga empleyado kundi nag hire din siya ng isang community coordinator sa katauhan ni Ms. Isabel Lanada na siyang tutulong para ma-
organisa sila sa isang kooperatiba gayon din sa pagkakaroon ng mga trainings sa livelihood o ibat ibang pangkabuhayan.
Ayon kay Isabel Lanada, upang maging masaya sa nasabing sitio ay sinimulan nila ang pagkakaroon ng pa-contest, at ito ay ang pagpapaganda sa facade o harapan ng bawat bahay patungo sa Rancho Bernardo, hindi lamang ito cleanliness and beautification contest kundi maisapuso din umano nila na ang contest ay simula lamang hanggang sa ito ay maging habit na ng lahat na maging malinis, maayos, magtulungan at unti unting baguhin ang kanilang buhay.
Sa mga trainings, sinabi rin ni Bb. Isabel na ihahanda nila ang mga tao sa pagdating ng turista sa pagkakaroon ng mga negosyo tulad ng maliit na restaurant, o carinderia, paggawa ng souvenir items at transient homes para sa mga drivers, yaya o iba pang kasama ng tourists na walang kakayanan na umupa sa nasabing luxury resort.
At upang maging maayos ang sitio ay ipinagawa ni dating Mayor Del Rosario ang daan, pinaluwagan at pinasemento ito at nilagyan din ng magandang bakod ang may ilang kilometrong daraanan patungo sa nasabing Rancho para maging maalwan at maganda sa paningin ng mga turistang daraan doon.

Facebook Comments