Libreng gupit sa mga biktima ng sunog

Libreng gupit sa mga biktima ng sunog

Libreng gupit sa mga biktima ng sunog

216
0

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Isang Libreng Gupit program para sa mga biktima ng sunog sa barangay Capunitan, Orion, ang ihahandog ng Cutz and Glitz, isang tanyag ns Salon sa lungsod na ito
Ayon kay Gng. Agnes Lacson Trinidad, may-ari ng naturang salon, idaraos  nila ang nasabing gupitan sa darating na Huwebes, ika-8 ng umaga, sa Bataan School of Fisheries kung saan pansamantalang nanunuluyan ang mga nasunugan.
Inanyayahan din ni Gng. Agnes ang kanyang mga kasamahan sa industriya na sumama sa kanila sa nasabing programa. Dagdag pa niya, sila na umano ang magdadala ng mga gunting, razor, balabal at iba pang pangangailangan sa gupitan.
Sinabi pa ni Gng. Agnes na handa silang magbigay ng free haircut service sa mga kababayang nasunugan upang dito man lang ay makabawas ng kanilang lungkot sa pangyayari, na masaya namang pinasalamatan ni Mayor Tonypep Raymundo nang ipaalam nila ang kanilang plano.
Ngayon pa lang, ayon kay Gng. Agnes, ay marami nang kasamahan nya ang nagpapaabot ng interest na sumama sa proyekto tulad ni Reggy Tupaz.

Facebook Comments