Libreng pananghalian para sa mga mag-aaral, ipinasa na sa Senado

Libreng pananghalian para sa mga mag-aaral, ipinasa na sa Senado

Libreng pananghalian para sa mga mag-aaral, ipinasa na sa Senado

1.52K
0

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Masayang ibinalita ni Senator Grace Poe, Chair sa Committee on Public Information and Mass Media sa Senado, sa kanyang pagbisita sa lalawigan ng Bataan partikular na sa Lungsod na ito para tulungan ang mga nasalanta ng baha, na naipasa na ang kanyang bill na naglalayon na mabigyan ng libreng pananghalian ang mga malnourished na mag aaral sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa.

Ayon pa kay Poe, kinakailangan umanong pakainin ang mga batang malnourished na talagang mga payat at sakitin. Paano aniya matututo ang mga batang ito kung kumakalam ang mga sikmura at hinahangin ang ulo dahil sa gutom. Sinabi pa ni Poe na sa darating na panahon ay idaragdag na rin niya na isama na ang maliliit na bata sa elementarya at daycare para makatulong sa mga mahihirap na pamilya.

Si Senator Grace Poe ay nasa lalawigan para magbigay ng relief goods sa mga sinalanta ng bagyong Josie sa mga munisipalidad ng Abucay, Hermosa at Lungsod ng Balanga.

Facebook Comments