Maging mapanuri

Maging mapanuri

Maging mapanuri

500
0

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Pinag-iingat ng Department of Trade and Industry (DTI) ang ating mga kababayan hinggil sa pagbili ng mga ready to wear items, gadgets gaya ng cellphone at iba pang produkto gamit ang online payment sa pamamagitan ng social media dahil sa baka mabiktima sila.

Sa isang idinaos na Kapihan ng DTI sa selebrasyon ng Consumer Month nitong nakaraang Biyernes sa Plaza Hotel sa lungsod na ito,  sinabi ni Provincial Director Nellin Cabahug na tingnan maigi  ng ating mga kababayan kung mayroong Business Permit o nakarehistro sa DTI ang kanilang mga negosyo lalo na at on line pa ito.

Sinabi pa ni Cabahug na hindi mo agad malalaman kung mga pekeng damit, gadgets at mga kagamitan ang mga itinitinda on line, dahil hindi mo naman mahahawakan o masusuri ang mga ito. Kung nakita lang sa social media gaya ng Facebook ang produkto at ito ay maganda maaari naming hindi ito orihinal o peke pala.

Pinayuhan din ni Cabahug ang mamamayan na laging maging mapagmatyag sa lahat ng bibilhin lalo na sa produkto na manggagaling pa sa ibang bansa, maaari umano itong magkaroon ng depekto dahil matagal bago mo ito makuha.

Hinalimbawa pa ni Cabahug na kung minsan, binayaran mo na ang produkto, tapos tatlong araw mo pa lang nagagamit sira na, ang mas mahirap pa dito hindi mo na ito maisasauli.

Facebook Comments