Malaking tulong ang MBDA sa LTO

Malaking tulong ang MBDA sa LTO

Malaking tulong ang MBDA sa LTO

215
0

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Ito ang tahasang pahayag ni G. Carmelito Nacpil, Hepe ng LTO Licensing Office, sa isang panayam sa programang “Morning Connections”, sa Power Radio 104.5FM

Ayon kay G. Nacpil, tunay na naging malaking tulong sa kanila ang Metro Bataan Development Authority (MBDA) na pinamumunuan ni General Manager Charlie Pizarro, sa dahilang ang napakalaking obligasyon ng pagpapatrolya sa kahabaan ng Roman Superhighway ng LTO ay nakaatang na ngayon sa MBDA dahil sa kakulangan nila ng tauhan, higit pa rito ang ginagawa ng MBDA na manghuli ng mga lumalabag sa batas trapiko tulad ng overspeeding at iba pa, gayundin ang mabilis na pagresponde sa mga naaaksidente at nangangailangan ng tulong sa nasabing highway.

Sa nasabing panayam kay G. Nacpil, nais umano nilang ibahagi sa mga mamamayan ang kanilang safety measure month, kung saan ayon sa kanya ay binibigyang – diin ang tungkol sa defensive driving, na ang mga driver o sinumang nagmamaneho ng alinmang sasakyan ay dapat umanong isipin ang kaligtasan hindi lamang ng kanyabg sarili kundi maging ng makakasalubong niyang kapuwa driver at mga pedestrians.

Ang LTO ayon kay Nacpil ay nagsasagawa sa ngayon ng mga seminars sa mga drivers o sinumang tauhan sa mga kompanya, mga asosasyon ng mga operators at drivers ng mga jeepneys, trucks, buses o minibuses para ipaalam hindi lamang ang paraan ng pagkuha ng lisensya kundi higit ang mga safety measures na dapat tandaan para makaiwas sa disgrasya.

Facebook Comments