Malasakit Center, dadalhin sa Bataan

Malasakit Center, dadalhin sa Bataan

Malasakit Center, dadalhin sa Bataan

82
0

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Ang Malasakit Center ay isang One-Stop Shop program ng pamahalaan para higit pang mapadali ang pagbibigay ng mga serbisyong medikal sa ating mahihirap na mamamayan at magkaroon sila ng free access sa mga gamot.
Noong nakaraang Linggo, sa naganap na paglagda sa Alliance Agreement sa pagitan ng Balikatan at HNP sa Subic Convention Center, ipinaliwanag ni Special Assistant to the President Bong Go, na sa nasabing programa, ang mga mahihirap na pasyente ay pagkakalooban ng tulong pinansyal mula sa Philippine Charity Sweepstakes (PCSO), Philippine Amusement and Gaming Corp, (PAGCOR),Department of Social Welfare and Development (DSWD), local government units at iba pang ahensya ng gobyerno at kung kukulangin pa ay ang Malasakit Center na ang sasagot sa kakulangan.
Dahil nais pang palawakin ni SAP Go ang nasabing programa, kanilang pag aaralan kung may pasilidad ang lalawigan ng Bataan para magtayo dito ng Malasakit Center.
Makakaroon din umano ng mga express lane para sa mga senior citizens at mga PWD’s sa nasabing Malasakit Center.
Sa ngayon, may 17 nang Malasakit Centers sa buong bansa, sisimulan na sa Pampanga at Bulacan ang para sa Central Luzon at pag aaralan na ang paglalagay nito dito sa Bataan.

Facebook Comments