Malasakit Center, isasabatas

Malasakit Center, isasabatas

Malasakit Center, isasabatas

225
0

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Sa pagdalaw ni dating Special Assistant to the President, Bong Go sa Bataan, kung saan nagkaroon ng pagkakataon ang media na sya ay makapanayam, sinabi niya na kung sya ay papalarin ay maisasabatas ang Malasakit Center para magkaroon ang bawat lalawigan ng isa o higit pang Malasakit Centers sa buong Pilipinas.
Sinabi ni Bong Go na marami siyang nais tutukang programa at prayoridad niya ang kalusugan ng mga mamamayan lalo na ang mga maysakit na matulungan ang mga ito na maging mas magaan para sa kanila ang pagpapagamot o pagpapa ospital.

Sinabi rin niya na kamakailan ay pinasinayaan ang Malasakit Center sa Bataan na inilagay sa Bataan General Hospital and Medical Center na nabigyan ng pang unang pondo na P5M na personal na iniabot ni Sec.
Michael Dino ng Office of the Presidential Assistant for Visayas kay Dr. Ria Baltazar.
Ang Malasakit Center ay isang One-Stop-Shop na kung saan ay sama -samang nandoon ang mga satallite offices ng mga ahensya ng pamahalaan na tumutulong sa mga pasyenteng nangangailangan ng tulong medikal o pinansyal tulad ng DSWD, Philhealth, PCSO, PAGCOR at iba upang mapaliit o maging zero balance ang kanilang babayaran sa ospital.

Facebook Comments